Joaquin Domagoso, nagkaroon ng purpose ang buhay nang dumating ang kanyang anak

Sa kabila ng pagiging batang ama, sinabi ni Joaquin Domagoso na nakumpleto na ng anak niyang si Scott Angelo ang kanyang layunin sa buhay.

Sinabi kasi ng young actor na laking gulat niya nang malaman niyang magagawa niya ang mga bagay na hindi niya akalain na magagawa niya noon.

Kabilang na rito ang pagta-trabaho sa 9 to 5 job at pag gising ng umaga para asikasuhin ang kanyang anak.

Dagdag pa ni Joaquin, kinakailangan niya rin maging role model upang maging inspirasyon sa kanyang anak paglaki nito.

Nang tanugin naman ito tungkol sa kanyang love life, sinabi lang nito na “I’m in a very happy place.”

Sa kabila ng sinabing masaya siya sa kanyang rekasyon, hindi kinumpirma ni Domagoso kung sila pa ba ng kanyang partner o baby mama na si Raffa Castro, dahil may mga tsismis na hiwalay na sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *