Maraming netizens ang natuwa sa kakaibang paandar na money cake nang magkapatid na Lian at Liezel sa 51th birthday ng kanilang ina.

Ayon kay Lian Gonzales, naisip nilang magkapatid na sa halip na ordinaryong money cake na hinihilang pera gagawin nilang dipindot ito para instant ang paglabas ng pera.
Sinabi ni Lian, tinitiyak nilang magkapatid na may kakaiba silang gimik para sa birthday ng kanilang ina na si Mommy Bet taon-taon. Umani na ng mahigit isang milyong views at good vibes na mga reaksyon ang kanilang video sa social media.