Jimuel Pacquiao wagi sa ikalawang amatuer fight sa US

Naipanalo ni Jimuel Pacquiao ang kanyang ikalawang sunod na amateur fight sa United States noong Biyernes (Manila time).

Ipinakita ni Pacquiao ang kanyang pagiging agresibo mula sa opening bell para kunin ang unanimous decision ng mga judges sa laban nito kay Johnathan Barajas sa isang three-rounder bout.

Nabatid na mahigit dalawang buwan pa lamang ang nakalipas matapos niyang talunin ang Mexican-American na si Andres Rosales sa kanyang unang amateur bout sa US.

Ang laban, na ginanap sa Montebello Country Club sa California at ipinakita sa UFC Fight Pass, ay isang special attraction bout sa ilalim ng 360 Promotions ni Tom Loeffler.