LEGAZPI-Aabot sa 13 na mga bayan at lungsod sa Bicol Region ang napasama sa bagong listahan ng Department of Agriculture na deneklarang ASF Free na at naibaba na sa Pink zone o buffer zone.
Ayon sa pahayag ng tanggapan, noong isang lingo, mula sa red zone, naibaba na sa pink zone ang mga bayan ng Daraga, Malilipot, Malinao, Pio Duran, Polangui, Bacacay, Ligao City at Tabaco City; 2 sa Sorsogon, 2 sa Naga City at 1 sa Camarines Norte.
Samanatalang, 7 bayan naman ang tapos na rin sa sentinel protocol at magsusumite na rin ng mga requirements para sa deklarasyon ng ASF free.
Sa ngayon, aabot na din sa 1,129 heads sentinel pigs ang naipamigay sa 1,127 farmers at dalawa naman ang naipabalitang namatay.
Nagpapatuloy pa rin umano ang Bantay ASF sa Barangay or BABay ASF Program at Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) sa ilalim ng Bureau of Animal and Industry (BAI and the National Livestock Program para makabangon sa pandemya.