Jericho Rosales, kinumpirmang dating na sila ni Janine Gutierrez

Totoo nga ang chismis na may relasyon sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Jericho na nagde-date na sila ni Janine.

Nangyari ang kumpirmasyon ilang buwan matapos makita ang dalawa na madalas na magkasama na nagdulot ng intriga sa mga netizens.

Mababatid na sinabi noon ni Lotlot  de Leaon na aware siyang lumalabas sina Jericho at Janine. Tingin niya ay walang masama dahil parehong single at mature na ang dalawa.

Huling iniugnay si Janine sa dati nitong leading man na si Paulo Avelino habang si Jericho naman ay naisapubliko ang paghihiwalay niya sa kanyang asawa na si Kim Jones.