Nakatanggap ng P20 milyon mula sa Office of the President si double gold Olympic medalist Carlos Yulo.

Bukod sa pera ginawaran din si Yulo ng Presidential Medal of Merit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tumanggap naman ng Presidential Citation at tig-P2 milyon ang mga bronze medalist na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Binigyan din ng Pangulo ng tig-P1 milyon ang lahat ng atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics habang kahating milyon naman ang matatanggap ng coaching staff.