Dahil sa sobrang pagod at overworked sa trabaho pakiramdam ni Yang na maaga siyang tumatanda dahil sa stress.
Si Yang ay 38 years old na at nagtrabaho siya bilang screenwriter sa film and television industry sa loob ng 11 years.

Kwento niya masyado umano siyang overworked kaya gusto niyang pabagalin pansalamantala ang takbo ng kanyang buhay.
Sa sobrang dami aniya ng kanyang trabaho naapektuhan na ang kanyang kalusugan lalo na’t madalas daw siyang puyat.
Kung magpapatuloy umano siya sa kanyang lifestyle, hindi siya makaka-recover at lalong lalala ang kanyang sakit.
Ayon kay Yang, “I don’t feel lonely or bored in the nursing home.”
Sa ngayon ay hindi pa sigurado ni Yang kung kailan siya babalik pero pagtitiyak niya na darating ang araw na haharapin niya ang hamon ng buhay.