Jennylyn at Dennis, tila ikinasal na base sa kumalat nilang larawan

Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na tila kinuhanan sa gitna ng isang wedding ceremony.

Makiktia sa litrato ang matching suits ng dalawa na tila ay dinisenyo para sa kasal.

Bumaha naman ang mga pagbati sa verified Facebook page ni Mercado.

Narating ng celebrity couple ang panibagong milestone na ito matapos lamang ang ilang linggo mula nang i-anunsyo nila ang kanilang engagement at pregnancy noong huling bahagi ng Oktubre.

Ito ay kung totoong nagpalitan na ng wedding vows ang 34-anyos na si Mercado at 40-anyos na si Trillo, na walong taon nang nagkarelasyon.

Mababatid na ang dinadalang anak ni Mercado ay ang unang anak nito kay Trillo.

Meron nang mga anak ang dalawa mula sa mga dati nilang relasyon, kabilang na si Alex Jazz na anak ni Mercado kay Patrick Garcia, at Calix na anak naman ni Trillo sa dating aktres na si Carlene Aguilar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *