Jed Madela, ikinatuwa ang isang school section na ipinangalan sa kanya

Ikinatuwa ng OPM singer na si Jed Madela ang larawang nag trending sa social media na ipinangalan sa kanya ang isang section sa isang paaralan.

Nakasaad sa larawan na “Grade 1 – Jed Madela” ang pangalan ng isang section sa Albert Einstein School sa Cotabato.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Aniya, isang karangalan para sa kanya na maging kapangalan ang naturang section kaya’t laking tuwa rin nito nang pinasaya nito ang mga netizens.

Read More:  Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan hosts’ remarks about son Josh

Dagdag pa nito, dumarating ang ganitong pagkakataon sa mga pagkakataong pakiramdam niya ay hindi siya mahalaga at hindi na kapansin-pansin kaya’t malalaki ang pasasalamat niya sa Diyos at sa mga taong nasa likod nito.