Dwight Ramos, magbabalik sa 2nd season ng Japan B. League

Pumirma si Gilas Pilipinas guard Dwight Ramos ng extension contract sa Japan B. League squad Levanga Hokkaido matapos ang kanyang assignment sa FIBA World Cup sa pagrepresenta sa Pilipinas.

Read More:  PLDT bounces back, keeps title defense alive

Inihayag ni Ramos na nagdesisyon siyang bumalik sa koponan sa kanyang ikalawang season dahil sa kagustuhan ng buong team.

Sa gitna nito, nananatiling commited si  Ramos sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas habang papalapit siya sa kanyang basketball prime.

Read More:  Eala sweeps aside American qualifier, advances at US Open

Aniya, hindi niya pa masabi kung ano pa ang mga plano na haharapin niya ngunit hangga’t kaya raw ng kanyang katawan, mananatili siya sa national team.