Excitement ang naramdaman ni Daniel Padilla dahil sa kanyang kapatid na ikakasal na si JC Padilla sa non-showbiz na si Nathalia Valdivia.
Sa Instagram post nina JC at Valdivia, makikita ang kanilang prenup photos na binahagi nila sa publiko.
Bukod sa pag-flex nila sa kanilang picture, ibinahagi ni Valdivia na umabot sa sampung taon ang kanilang relasyon bago sila ma-engaged.
Mababatid sa mga kumento sa post nila, makikita ang suporta mula sa pamilya ni JC sa kanilang nalalapit na kasal.
Samantala, idadaayo ang kasal nina JC at Valdivia ngayong Hulyo.
(Jaime Codizal – Brigada News Intern)
Photo via: Nice Print Photography & Exige Weddings