Kritikal si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos itong barilin habang nagtatalumpati sa lungsod ng Nara sa Western Japan.
Ayon sa mga ulat isinugod si Abe sa ospital matapos atakehin ng hindi kilalang lalaki.
Narinig umano ang putok ng baril sa pinangyarihan ng kremin bandang 11:30 a.m. local time.
Sa mga paunang report sinasabing nagtamo ng tama sa dibdib ang dating Prime Minister.
Naaresto naman ng mga kapulisan ang sinasabing suspek sa pamamaril.