Japan Princess nasa US kasama ang commoner husband

Dumating na sa America ang dating Japan Princess na si Mako kasama ang kanyang commoner husband na si Kei Komuro.

Ayon sa report, piniling lumipat ng America ng dating Japan Princess matapos iwanan ang kanyang royal family.

Napag-alaman na magrerenta ng apartment sa New York sina Mako at kanyang asawa na nagtatrabaho sa isang law firm.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Una nito ay binantayan ng media ang pag-alis nina Mako sa Japan kung saan hindi na siya sumagot sa mga katanungan.

Matatandaan na batay sa batas ng Japan, ang mga babaeng miyembro ng imperial family ay otomatikong bibitiwan ang kanilang status kapag nagpakasal sa mga commoner.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dati nang napabalita ang paglipat sa New York ng bagong kasal pero naantala matapos na napabalitang hindi nakapasa sa state bar exam si Mr. Komuro.