Niluwagan na ang ipinapatupad na alert level system sa lalawigan ng Bataan.
Mula ngayong araw ng Lunes, November 15 hanggang sa November 30 ay ibinaba na sa Alert Level 2 ang probinsiya alinsunod sa anunsyo ng National Inter-Agency Taskforce.
Ang pagluluwag umanong ito ay nagpapakita na bumababa na ang bilang ng mga kaso ng tinatamaan ng corona virus disease.
Samantala, kaugnay nito hinihikayat pa rin ng lokal na pamahalaan ang mamamayan na magpabakuna na para tuluyan nang maabot ang herd immunity.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Abet Garcia
