Kinumpirma ng Austria ang lockdown sa halos dalawang milyong unvaccinated na tao sa kanilang bansa sa gitna ng record infection levels at pressure sa mga ospital.
Sinabi ni Chancellor Alexander Schallenberg na hindi madali ang nasabing hakbang pero kailangan nila itong gawin para sa kaligtasan ng nakararami.
Ayon sa report, papayagan pa rin namang makalabas ng bahay ang mga hindi pa nababakunahan pero limitado sa pagbili ng pagkain.
Napag-alaman na 65% pa lang ng populasyon ng Austria ang fully vaccinated na isa sa mga pinakamababang rates sa western Europe.
Naitala naman sa 800 cases sa kada 100,000 na tao ang seven-day infection rate sa Austria na isa sa pinamataas na case tally sa Europa.
Una nang ipinagbawal sa ilang bansa sa Europa ang pagpasok sa mga restaurants, salons at cinemas ang mga hindi pa nababakunahang indibidwal.