Japan, pinili ang bayan ng Mobo, Masbate para sa proyektong Coconut Biomass

SORSOGON CITY – Napili ng isang Japanese entrepreneur na pinangalanan lamang na si ‘Toshiaki’ ang bayan ng Mobo sa lalawigan ng Masbate para sa proyektong Coconut Biomass.

Ayon sa alkalde ng nasabing bayan na si Raymond Salvacion, naging maganda ang ginawang pag-uusap nila ng nasabing negosyante kung saan nagpalitan sila ng ideya sa komersyo at kalakaran.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dagdag pa ng opisyal, tapos na ang feasibility study sa nasabing pabrika at nakatakdang ipakita niya ito sa gobernador na si Antonio Kho.

Nabatid na ang bayan ng Mobo ang siyang nangungunang producer ng niyog sa buong lalawigan kung kay’t ito ay isang angkop na lugar para sa nasabing pabrika na napakahusay sa paggawa ng coconut by-products gaya ng cooking oil, sabon, shampoo, body lotion, cosmetics at marami pang iba.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon pa sa alkalde, ang paparating na pabrika ay bubuo ng ‘income’ o kita sa LGU partikular na ng trabaho sa mga mamamayan ng Mobo na walang trabaho.