2 lalake na nagpositibo umano sa illegal na droga sa bayan ng Oas Albay, tiklo sa buy-bust operation

LEGASPI CITY – Tiklo ang dalawang lalaki sa Purok 1, Brgy. Calzada bayan ng Oas, Albay matapos magpositibo ang mga ito sa ilegal na droga. Kinilala ang mga suspek na sina Nolito Peñaflor Pajarillo, 52 anyos, isang habal-habal driver, residente ng Brgy Maguiron bayan ng Guinobatan, Albay at si Dennis Falcon Orap, 34 anyos walang trabaho, residente ng Brgy. Santa Cruz lungsod ng Ligao.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

 Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation kung saan pinagbentahan ng mga ito ng ilegal na droga ang poseur buyer sa halagang P500. Dahil dito kumagat sa pain ng mga operatiba at inaresto ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

 Narekober sa kanila ang isang sealed na transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu, non drug items at pera na ginamit sa buy bust operation. Sa ngayon ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.