Usad pagong na implimentasyon ng NHA housing project sa bayan ng Bulan, kinastigo ng ilang konsehal

SORSOGON CITY – Bumuwelta ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bulan sa pamunuan ng National Housing Authority (NHA) matapos ang napakatagal na paghihintay sa ipinangakong housing project para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa chairman ng Urban Housing and Land Use Development Committee na si Municipal Councilor Olaf Gotladera, mayroong kabuuang 4.5 na ektaryang lote para sa nasa 600 house units ang dapat maibigay ng NHA, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasisimulan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Panawagan ng opisyal sa ahensya, huwag maging makupad sa pagpapatupad ng nasabing programa dahil kailangan na ito ng mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng krisis.