Japan at Pilipinas lumagda sa P112.9-B loan agreement para sa Metro Manila Subway Project

Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang 253.3 bilyon yen o P112.9 bilyon loan agreement para sa second tranche ng pagpopondo para sa pagtatayo ng Metro Manila Subway Project.

Ayon sa Department of Finance ang utang ay babayaran sa loob ng 27 taon at may palugit na 13 taon, para sa kabuuang panahon ng maturity na aabot sa 40-taon.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ito ay kasunod ng naunang 104.53 bilyong yen o 47.58 bilyon pesos na inutang na nilagdaan noong 2018.

Bagama’t orihinal na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P350-bilyon, ang kabuuang halaga ng proyekto ay itinaas sa P488.48 bilyon na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board noong Setyembre 23 noong nakaraang taon.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Unang sinabi ng Department of Transportation na na nakatakdang makumpleto sa 2025 ang 34KM subway project at magkakaroon ng partial operation bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.