James Reid wish na sumaya si Nadine sa bagong love life nito

Nagbigay ng reaction ang ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.

Ito ay kasunod nang napabalitang may bago nang pag-ibig si Nadine na isa umanong foriegner.

Ayon kay TV host Boy Abunda ito ang ipinadalang mensahe ni James nang tanungin umano ng mga fans kung ang reaction nito sa naturang isyu.

Read More:  John Arcilla calls for jail time for those behind dumping of 25 pet remains in Bulacan

Nakasaad din sa pahayag ni James Reid na wala sigurong tao na excited na makita ang kanyang ex na may kasama nang iba.

Subalit binigyang diin ni James na desisyon na umano ito ng aktres at hiling niya lang sa ngayon ay maging masaya ang dalaga.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Ayon pa kay James, friends pa rin sila ni Nadine at tinutulu­ngan niya ito sa kanyang music at nagkikita sila at least once a week.

Magugunitang Enero ng taong 2020, nang ianunsiyo ng dalawa na sila ay hiwalay matapos ang mahigit tatlong taon relasyon.