Jailbreak sa Malabang MPS, 6 nakatakas

ANIM na preso ng Malabang Municipal Police Station ang nakatakas matapos ang nangyaring jail break pasado alauna ng madaling araw kahapon sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur .


Sa exclusive interview ng Brigada News FM Cotabato kay Police Major Timothy Jim Romanillos, matagumpay ang nangyaring pagtakas ng mga ito matapos na sirain nila ang rehas na bakal ng nasabing piitan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan


May isa pa anyang myembro ng PNP ang tinalian ng mga suspek bago sila tuluyang tumakas.


Kinilala ni Major Romanillos ang mga pugante na sina Asmarie Macadato, Ahmad Deedat Marohombsar, Norodin Guiambangan, Monaif Hadji Haron,Aljabbar Ocsio Maruhom, at Adnan Ocsio Maruhom.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon


Agad nmang nagsagawa ng pursuit operation ang Malabang MPS na nagresulta sa pagkakahuli kay Ahmad Deedat Marohombsar sa loob mismo sa kanyang pamamahay.


Tiniyak naman ng opisyal na gagawin nila ang lahat ng hakbang upang maibalik sa kulungan ang lima pang mga pugante.