Sundalo tinambangan sa Pikit, Cotabato!

TUKOY na ng mga otoridad ang nasa likod ng nangyaring pamamaril sa dalawang myembro ng Militar sa bayan ng Pikit, kamakalawa ng umaga.


Sa panayam ng BRIGADA News FM Cotabato kay Pikit Chief of Police, Captain Mautin Pangandigan, mismo ang mga biktima ang tumukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte


Ang dalawang sundalo ay kapwa myembro ng Intel Ops ng Militar at posibleng kabilang sa lawless group na nag-ooperate sa bayan ng Pikit ang mga suspek.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol


Sa kasalukuyan patuloy na nilalapatan ng lunas si Cpl. Marciano Warain Delapena na tinamaan sa likod habang maswerte namang di tinamaan ang backrider nito na si PFC. Jefort Baraon.