BNFM BICOL – IPAPATUPAD ang istriktong border control checkpoint at monitoring sa lalawigan ng Catanduanes matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever o ASF sa bayan ng Pandan.
Kaugnay nito agad na pinag-uutos ni Governor Joseph C. Cua sa mga punong barangay sa lalawigan na bantayan ang mga entry point sa kani-kanilang mga barangay para matiyak na hindi pa kumalat ang naturang sakit.
Bukod sa mahigpit na pagbabantay sa paggalaw ng mga baboy at iba pang mga meat products ipinatupad na rin ang striktong disinfection procedures sa mga apektadong lugar at sa mga sasakyang nagdadala ng mga buhay na baboy at karne ng baboy.
Samantala, nanawagan ang mga otoridad sa mga hog raiser na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga hakbang na ipinatutupad. Pinapayuhan din ang lahat na agad iulat ang anumang sintomas ng ASF sa kanilang mga alaga at sundin ang mga alituntuning ibinibigay ng mga awtoridad. ### Rumer Grant, Intern