Ironclad commitment ng US sa PH, muling iginiit sa pag-uusap nina Defense Sec. Austin at Defense Sec. Teodoro

Muling iginiit ng Amerika ang kanilang ironclad commitment sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Kasunod ‘yan ng pag-uusap nila US Secretary of Defense Lloyd Austin III at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. tungkol sa pinakahuling insidente sa pagitan ng China at Pilipinas sa Ayungin shoal noong June 17.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal , binigyan-diin nila ang pagpapalakas ng alyansa ng U.S. at Pilipinas upang suportahan ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa mga “like-minded partners” upang mapalakas ang kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at mag-invest sa U.S. rotational force posture sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.