Nagkasundo ang Israel at South Korea na magpalitan ng COVID-19 vaccine doses sa mga susunod na linggo at buwan.
Dahil dito ay inaasahang ide-deliver ng Israel ang mag-eexpire nito na 700,000 doses ng Pfizer-BioNTech sa Korea ngayong July.
Kapalit nito ay idedeliver ng Korea ang parehong bilang ng shots sa Israel, sa pamamagitan ng order nito mula sa Pfizer sa Setyembre at Oktubre.

Nagawa ng South Korea na maipamahagi ang COVID-19 vaccines nito kaagad, ngunit bigo ito na maagang makakuha ng sapat na doses sa gitna ng mahigpit na suplay nito sa buong mundo, partikular na sa Asya.
Ipinunto naman ni Israeli Prime Minister Naftali Bennet na isa itong “win-win deal.”
Mababatid na nagawa na ng Israel na maturukan ng COVID-19 vaccine ang 55-percent ng populasyon nito.