Blake Shelton at Gwen Stefani, ikinasal na

Ibinahagi ng singers na sina Blake Shelton at Gwen Stefani ang ilan sa mga litrato ng kanilang kasal noong weekend.

Ayon sa celebrity couple, nangyari ang kanilang kasalan sa Oklahoma nitong weekend lamang.

Sa caption ng post ay sinabi niya: “July 3 2021 dreams do come true!!!”

Unang nag-date sina Stefani at Shelton noong 2015 matapos nilang personal na magkakilala sa set ng isang talent singing competition noong 2015 kung saan ay nagsilbi silang mga coaches ng mga contestants.

Na-engage naman ang dalawa noong October 2020, na parehong inanunsyo nina Shelton at Stefani sa Instagram.

Bago pa sila nagkarelasyon ay dati nang kasal si Stefani kay Gavin Rossale, na nagbigay sa kaniya ng tatlong anak.

Si Shelton naman ay dating kasal kina Miranda Lambert at Kaynette Williams.