Roque, nakasakay na noon sa C-130 na bumagsak sa Sulu

Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dati na siyang nakasakay sa C-130 military cargo plane na bumagsak sa Jolo, Sulu nitong weekend.

Sinabi ni Roque na nasakyan niya ang C-130 noon nang gamitin ito para sa transportasyon ng medical supples, Sinovac vaccines, personal protective equipment at medical vantilators sa Iloilo City.

Ipinunto naman ni Roque na iba ang crew na nakasama niya sa C-130 noong sumakay siya doon noon.

Anya, ikinagulat ng nakasama niyang crew dati ang nangyaring insidente noong Linggo at nais nilang magpaabot ng pakikiramay.

Una nang sinabi ng militar na aabot sa 53 military personnel at 3 sibilyan ang napatay sa insidente habang nasa 46 naman ang nagtamo ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *