Isolation facility sa City of San Fernando, bakante na

Bakante na ang isolation facility ng City of San Fernando.

Ito’y dahil naka labas na ang huling Covid patients na nagpapagaling sa CSFP Kalingan Fernandino Isolation Facility.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Habang, nagpapagaling pa sa mga pribadong hospital sa lungsod ang natitirang apat na aktibong kaso.

Samantala kahapon, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa syudad, kaya’t nananatili sa 11, 281 ang confirmed cases.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa naturang bilang 10, 944 ang mga naka rekober at 328 ang naitalang nasawi dahil sa virus.