Isasagawang 2nd quarter ng NSED, susubok sa paghahanda sa “Big One”

Susubok sa paghahanda sa “Big One” ang 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa June 28.

Ayon sa Office of Civil Defense, bibigyan-diin dito ang pagsasakatuparan ng Harmonized National Contingency Plan for Magnitude 7.2 na Lindol dulot ng paggalaw ng West Valley Fault (WVF).

Ang huling naitalang malakas na lindol dahil sa paggalaw ng West Valley Fault ay naganap noong 1658. Ngayong 2024, ito ay 366 taon na ang nakalilipas.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kaugnay nito, nakatakdang dumating sa Metro Manila ang tinatawag na assisting regions upang makilahok sa full scale exercise.

Bawat Regional Disaster Risk Recution and Management Council ay mayroong search, rescue, and retrieval (SRR) team; isang incident management team (IMT); at isang emergency operations center (EOC) team na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno mula sa rehiyon.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ang ceremonial venue para sa 2nd quarter ng NSED ay ang RED Training Center, Pasig City.

Bilang nakagawian, ang “Duck, cover, and hold” na pamamaraan ay gagawin ng mga tauhan ng Pamahalaang Lokal ng Pasig at iba pang kalahok sa pagsasanay.

Ang iba pang mga stakeholders at ang publiko ay hinihikayat na makibahagi sa NSED, na pangungunahan ng mga DRRMCs.