Isang retiradong sundalo, arestado matapos bumunot ng baril at manakot ng mga traffic enforcer na sumita sa kanya sa Carmona, Cavite

Arestado ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army dahil umano sa pananakot sa mga traffic enforcer matapos siyang bigyan ng traffic citation ticket.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay na-flag down ng dalawang enforcer ng Carmona Traffic Management Office dahil sa walang habas na pagmamaneho at hindi pagpansin sa mga traffic signs.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kwento ng mga enforcer, pinagbantaan raw sila at sinigawan saka inilabas mula sa kanyang bag ang isang kalibre 45 baril.

Nadiskubre naman ng pulisya na hindi pala lisensyado ang baril na gamit ng suspek.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Bukod sa baril, nakumpiska rin dito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ang suspek ng Carmona Municipal Police Station at nahaharap sa kasong threat at paglagbag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (with reports from JUSTINE JUMARANG – Brigada News FM Manila)