Tindahan ng gadgets sa Lemery, Batangas; Mahigit P1-M halaga ng mga laptop at cellphone, natangay

Tinatayang nasa mahigit isang-milyong pisong halaga ng mga sari-saring gadgets ang natangay sa isang tindahan ng gadgets sa Lemery, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek na kinilalang si alyas Sul at anim pang hindi nakikilalang suspek ay sinira ang lock ng roll up door para makapasok sa nasabing tindahan.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Nilimas ng mga ito at tinangay ang laptop at cellphone na nagkakahalaga ng Php 1,267,746.00.

Mabilis naman nakatakas ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Sa tulong ng kuha ng CCTV nakilala ang isa sa mga suspek habang inaalam na ang pagkakakilanlan ng anim na iba pa.

Sa ngayon ay tinutugis na sila ng mga awtoridad. (with reports from RAUVIC CIFRA – Brigada News FM Manila)