Lisensya ng drayber na namahiya ng kanyang pasahero sa Parañaque, ipinasususpinde na ng LTFRB

Nais ipasuspinde ng LTFBRB sa LTO ang linsensya ng tsuper ng jeep na namahiya at nag body shame sa kanyang pasahero noong June 7 sa Parañaque City.

Ayon ito sa inilabas na desisyon ng LTFRB NCR, matapos ang pagdinig at imbestigasyon sa insidente.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Giit ng LTFRB, dapat na patawan ng parusa ang driver at konduktor dahil sa kahihiyan at pang aabusong naranasan ng pasahero.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Pinagmulta naman ang operator ng Jeep ng P15,000 para sa paghire at kabiguan ng driver na ihatid ang pasahero at para sa pag labag sa Memorandum Circular 2023-016. (with reports from INTERN JHALDEA TOLENTINO – Brigada News FM Manila)