Isang pribadong kolehiyo sa lungsod ng Legazpi pansamantalang isinailalim sa lockdown

LEGAZPI CITY—Epektibo kahapon Abril 21 ang temporary lockdown sa isang pribadong kolehiyo sa lungsod ng Legazpi matapos magpositibo sa COVID 19 ang isa sa mga empleyado na ito.

Ayon kay Mayor Noel Rosal sa inilabas nitong  Public Advisory kahapon, pansamantalang inilockdown ang Computer Arts Technological College (CAT) sa Balintawak Street Barangay Ilawod sa nasabing lungsod bilang bahagi ng protocol matapos may magpositibo sa sakit.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, nagpapatuloy na ang contact tracing and testing sa mga nakahalubilo ng pasyente.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Tiniyak ng alkalde na nasa isolation area na ang mga tinamaan ng sakit para sa mabilisang recovery.

Nagpaalala ang opisyal sa mga Legazpeño na patuloy nba sundin ang minimum health protocols lalo ngayong patuloy pa rin ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod.