Lima katao arestado sa dahil sa iligal na tupada sa bayan ng Paracale, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Limang kalalakihan ang nadakip ng mga operatiba ng Paracale MPS sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa at Purok 2, Pinagbirayan Munti, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga ito na sina Alyas Dan, 52 anyos at residente ng P-5, Tugos, Paracale, Camarines Norte;

At ang apat na iba ay pawang mga residente ng Pinagbirayang Malaki, sa bayan ng Paracale na kinilalang sina Alyas Gab, 40 anyos na minero; Alyas Estoy, 67 anyos na magsasaka; Alyas Andoy, 28 anyos na magsasaka, at si Alyas Ed, 25 anyos minero

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga suspek ay nahuli sa akto habang nagsasagawa ng iligal na pagsasabong na tinatawag na “TUPADA”  kung saan nakumpiska sa mga ito ay LImang Daan at Limampung Piso (Php 550.00) na bet money; Dalawang panabong na dalusaping manok ;  Pitong tari at gaffer paraphernalia

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Paracale MPS para kaharapin ang kaukulang kasong paglabag sa PD 449.