Isang lalaki – umakyat sa poste sa Barangay Calumpang, Marikina City

Umakyat ang isang lalaki sa 150 talampakang poste sa Barangay Calumpang, Marikina City.

Tansiya ng Bureau of Fire Protection (BFP) aabot ng 5 palapag na gusali ang kinauupuan nitong kable.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Dahil dito, pansamantalang pinatay muna ang suplay ng kuryente sa lugar habang kinukumbinsi ng mga rescuer na ito’y bumaba na.

Naperwisyo ang karamihan sa mga naka work from home, ilang negosyo at paaralan dahil sa gawi ng lalaki.

Una na siyang umakyat sa puno ng mangga pero nang pababain ng mga residente ay lumipat umano ito sa poste alas-onse ng umaga kahapon.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Humiling ng sigarilyo ang umakyat na lalaki at pinagbigyan naman ito ng BFP; ngunit hindi pa rin ito bumaba hanggang sa mga oras na ito.