SK Pres, sinimulan na ang 3 araw na state visit sa UK

Sinimulan na ni South Korean President Suk Yeol Yoon kasama si First Lady Keon Hee Kim ang tatlong araw na state visit sa United Kingdom.

Sa paglapag ng dalawa sa Britain ay nakatanggap sila ng red-carpet treatment; kasama na rito ang ceromonial welcome mula kay King Charles III at Queen Camilla.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Nagkasundo si President Yoon at UK Prime Minister Rishi Sunak na palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Dahil dito, inaasahang nakatuon sa trade at investment ang pagbisita ng Pangulo ng Seoul at handa naman ang panig ng Gobyerno ng UK na magsagawa ng bagong deal sa mga bansa kasunod ng pag-alis nito sa European Union (EU).