Trending ngayong ang isang video sa social media na nagpapakita ng pangho-holdap sa isang couple na sakay ng isang kotse.
Hinarang sila ng mga armadong lalaki at pinababa sa sasakyan.
Pinagharap ng mga humarang ang magkapareha, at habang hawak ng isa ang babae ay pinaluhod naman ng iba pa ang lalaki sa harapan nito.
Laking gulat ng lahat nang maglabas ng singsing ang lalaki dahil parte pala lahat ito ng kanyang proposal para sa kanyang nobya.
Nagpalakpakan ang mga lalaking nangharang sa kanila at pabiro pang sinampal ang lalaki nang malaman niyang “prank” lang pala ito.
Sa huli, yes ang sagot ng babae.
