Isang katiwala, nahulihan ng umanoy shabu sa Brookes Point, Palawan

Arestado ng mga pulis ang isang caretaker sa drug buy-bust operation sa bayan ng Brooke’s Point.

Sa pangunguna ni PCPT. Sir Dhayrius Redondo, naaresto ang suspek kaninang umaga sa bahagi ng Sitio Buligay, Barangay Poblacion District 1.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Base sa ulat ng pulisya, ang suspek na kilala sa alias na Fide ay isang 53-anyos na may asawa at residente ng nasabing barangay.

Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, kasama na ang binili sa kanya ng nagpanggap na pusher-buyer, at isang libong piso na mark money.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Gayunpaman, itinatanggi ng suspek ang mga nakumpiskang ebidensya laban sa kanya.

Subalit, posibleng humarap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.