Isang Kapitan sa Naga City, muling ki-nall out ang Gobyerno, na muling tingnan ang mga pamilyang nasa laylayan

NAGA CITY – Nananawagan at muling ki-nall out ng isang Kapitan sa Naga City ang Gobyerno Nasyonal maging ang Lokal na Pamahalaan ng lungsod, na muling tingnan ang mga pamilyang nasa laylayan.

Sa panayam kay Kapitan Efren Nepomuceno, ng Barangay San Francisco, binigyan diin niya, na dahil sa kahirapan ng mga magulang, hindi maiiwasang ang anak na mismo ang gumagawa ng paraan upang mabuhay, kaya hanggang ngayon marami pa rin ang mga batang lansangan hindi lamang sa lungsod bagkus sa ibang bayan.

Sa Naga City, mahigit anim na pong 60 mga street children ang patuloy na tinutulungan ng LGU, katunayan ipinagdiriwang ngayon ang International Day of Children in Street Situation.

Dagdag pa ng opisyal, bagamat may obligasyon ang Gobyerno na tumulong, responsibilidad pa rin ng magulang na bigyan ng agarang atensyon ang mga anak, may mga ahensya na maaaring makapagbigay ng Edukasyon, assistensya at iba, kaya naman upang matugunan ang paulit-ulit na senaryo naway muli itong makita ng Gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *