Arestado ang isang trentay nuwebe anyos na lalaki na sampung taon nang pinaghahanap sa pamamagitan ng isang larawan sa social media.
Nadakip ng mga pulis sa Aklan ang suspek na may kasong rape noong 2014 sa Pagbilao, Quezon, at kabilang sa listahan ng mga “most wanted person” ng Region 4-A.
Ayon kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, regional director ng Police Regional Office 4A, natunton ng tracker team ang suspek sa New Washington, Aklan, kung saan nalaman nilang ito ay nagsilbing tanod at pinuno ng peace and order council sa kanilang barangay.
Inilipad na sa Quezon ang suspek mula Aklan upang harapin ang kaso laban sa kanya.
Dagdag naman ni Lucas, sa loob ng sampung taong pagtatago, nagbago na ang itsura ng lalaki kaya nahirapan ang mga operatibang matunton ang nasabing suspek.