Isang guro umanong nangharass ng mga estudyante sa isang paaralan sa lungsod, aalamin ng DepEd Naga

NAGA CITY – Ipapa-verify at aalamin pa ng Department of Education Naga kung may katutuhanan ang kumukalat sa social media ng isang guro umano ang nangharass ng mga estudyante sa isang paaralan sa lungsod.

Kung saan hinihikayat umano ng guro ang mga estudyanteng sumali sa kanyang “Fun Shoot”, na kung minsan nakadamit lamang na walang pambaba o kaya naman nakapambaba lamang umano na nagdala naman ng alarma sa publiko.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Sa panayam kay Dr. Susan Collano, School Division Superintendent, maging sila man kasi ay nagulat dahil walang nakakarating sa kanilang report kaya ang tanging tugon muna nila ang mag-imbistiga base sa guidelines ng Children’s Right o Learners Right Protection.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Panawagan na rin nito sa mga umano’y biktima na dumirekta sa kanilang opisina upang maaksyunan ang nasabing panghaharass at maproseso ang pagkakasala ng guro.