OCD, tiniyak na ‘contained’ ang mga oil spill sa Bataan

Binigyang-diin ni Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Director Edgar Posadas na ‘very contained’ ang Bataan oil spills.

Ito ay batay umano sa kanilang assessment at pag-ikot sa lokasyon ng lumubog na MT Terranova at MTKR Jason Bradley, at ng sumadsad na MV Mirola 1.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Posadas, sinabi nitong dahil sa oil spill boom, na-contain ang tumagas na mga langis.

Read More:  Court delays Sara Duterte’s grave threats arraignment again

Kasabay nito ay patuloy umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya para sa tuluyang pagresolba ng problema sa oil spill.

Hindi rin aniya natatapos ang kanilang monitoring upang matiyak na hindi na lumala pa ang sitwasyon nito.