P9.5 million na emergency fund, ibibigay ng Catanuanes Prov. Gov’t sa EBMC bilang karagdagang pondo sa COVID-19 response

BNFM BICOL—Aprubado na ng Provincial Government ng Catanduanes ang kahilingan ng Eastern Bicol Medical Center na dagdag pondo para sakanilang COVID-19 response para sa natitirang bahagi ng 2021.

Ayon kay Provincial Administrator Lemuel Surtida, naaprubahan ang P9.5 million na karagdagang pondo mula sa P13-million sanang hinihiling ng pamunuan ng ospital para sa pag purchase ng mga ventilators, medical oxygen at iba pang medical supplies.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang nasabing halaga ng pondo ay inaprubahan din ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), sapagkat ito ay kinuha mula sa bahagi ng Quick Reaction Fund at reallignment ng iba pang mga infrastructure projects.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaugnay nito, tinitingnan naman pamahalaang panlalawigan ang posibleng pag de-deklara ng ‘State of Calamity’ nang sa gayon ay madagdagan pa ang pondong mailalaan para sa nasabing ospital.

Sa kasalukuyan, full capacity na ang EBMC at maging ang ibang mga district hospitals sa Catanduanes, bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.###