Timbog isang DI listed sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation ng PNP Cauayan sa barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Jeet Calapit, 30-anyos, single, magsasaka at residente ng barangay Luzon, Cabatuan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cauayan City Police Station, isinagawa ang naturang operasyon ng mga kasapi ng PNP Cauayan at Provincial Intelligence Unit pasado alas-7 kagabi, July 12, 2021.
Ayon sa pulisya, positibo umanong nabili ng nagpanggap na buyer sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.40 grams at DDB value na 2,720 pesos.
Nakumpiska rin sa pag-iingat ni Calapit ang isang piraso ng 1, 000 peso bill na ginamit sa transaksyon, isang crampled aluminum foil, lighter, cellphone, motorsiklo at perang nagkakahalaga ng 150 pesos sa iba’t-ibang denomination.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA9165 laban sa kaniya.
Photo: PNP Cauayan