41-anyos na lalaki, natagpuang patay sa kanal sa Cordon, Isabela

Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng isang 41-anyos na lalaki sa main irrigation canal sa bahagi ng Brgy. Wigan Cordon, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan ni PCPT. Grandeur Tangonan, ang OIC-COP ng Cordon Police Station, kinilala ang bangkay na si Ronald Liban, may asawa at residente ng Saranay, Cabatuan, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binisita umano ni Liban ang kaniyang kapatid na si Rolando Tayao na nakatira malapit sa irigasyon sa Villamarzo, Cordon noong July 11, 2021.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nadiskubre na lamang umano nila na nawawala si Liban bandang noong madaling araw ng July 12, kaya’t hinanap nila ito sa kung saan posibleng nagtungo ang biktima.

Bandang ala-una kahapon ay nalaman nilang mayroon umanong natagpuang bangkay sa irigasyon at nang puntahan ay positibong kiniala na si Liban.

Dinala ang katawan nito sa Rural Health Unit ng Cordon para sa pagsasailalim ng mortem examination.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon kay PCapt. Tangonan batay sa kanilag pakikipag-ugnayan sa asawa ng biktima, kasalukuyan umanong nagsasailalim sa medikasyon si Liban at nakararanas ng alcohol withdrawal syndrome kung saan tinitingnan na posible umanong nagtungo siya sa irigasyon para maligo.

Batay sa pagsusuri sa katawan ng biktima ay wala naman umanong bakas ng struggle na nagsasabing may ‘foul play’ sa pagkamatay niya bagaman inalok umano ng pulisya na ipa-autopsy ang bangkay ay hindi na pumayag ang pamilya at kumbisido umano silang nalunod si Liban.