Isang COVID-19 patient mula Batanes, Inaasahang ililipat sa CVMC ngayong araw

Isang pasyente mula sa lalawigan ng Batanes ang inaasahang ililipat sa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center ngayong araw, October 7, 2021.

Ito ang inihayag ni Dr. Glenn Mathew Baggao sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Dr. Baggao, inaasahang ngayong araw ay maililipat sa kanilang tanggapan ang naturang pasyente kaya’t umaasa itong magiging maganda ang lagay ng panahon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, napakahirap ang transportasyon sa mga pasyente mula sa Batanes dahil sa nararanasang mga malalakas na buhos ng ulan.

Nauna nang ini-refer sa CVMC ang limang mga pasyente na nasa critical at severe conditions noong nagdaang araw mula sa Batanes at sa ngayon aniya ay nasa stable ng kondisyon.

Marami pa rin aniyang COVID-19 patients sa naturang lalawigan kung saan batay sa datos ng Batanes Provincial Government mayroon na silang 574 active cases.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Namahagi rin sila ng mga 100 vials ng remdesivir at PPEs sa probinsya para i-augment ang suplay ng gamot sa Batanes General Hospital.

Sinabi pa ni Dr. Baggao, na nakahanda ang CVMC na magbigay ng tulong sa lalawigan ng kanilang mga pangangailangan para malabanan ang COVID-19 dahil sapat naman aniya ang suplay ng pagamutan.