SORSOGON CITY- Nakaposas, nakasuot ng PPE at bantay-sarado ng tatlong jail guards nang maghain ng kanyang kandidatura bilang City Councilor ang dating Punong Barangay ng San Roque, Bacon District, Sorsogon City na si Rolfo Corral Dogillo.
Kung babalikan, Pebrero 25 nitong taon ay naaresto si Dogillo matapos na makuhanan ito ng hindi lisensiyadong baril at hand grenade sa loob ng kanyang bahay sa ikinasang search warrant ng Sorsogon City Police Station.

PHOTO: Boris Marano 
BRIGADA News FM-Sorsogon
Nakasaad sa Omnibus Election Code na kapag ang isang tao ay nagkasala, ma-guilty o kaya kapag natapos na ang sentensya at matapos ang 5 taon, puwede na itong tumakbo, o kaya ay na-pardon o nabigyan ng amnesty.
Nakasaad din sa Local Government Code na kapag ang isang tao ay na-sentensyahan ng isang taon, pagkatapos ng dalawang taon ay puwede nang tumakbo.
Umano’y dito sinusunod ang principle na ‘innocent until proven guilty.’
Ayon sa mga abogado, ang prinsipyo na ito ay mahalaga, sapagkat kung ang lahat ng akusado ay tatanghalin na guilty, pero hindi pa napapatunayan, mawawala ang tinatawag na ‘due process’ o ang pagkakataon ng akusado na magpaliwanag.
