Bilang ng mga naghihiwalay na mga mag asawa sa Naga City, bumaba; mag live-in partner, nananatiling mataas ngayong taon 2024

NAGA CITY – Nananatiling mataas ang bilang ng mga mag live-in partner sa Naga City na nagkakahiwalay at ang mga anak ay nasa kustodiya ng ibang pamilya o kaya sa  City Social Welfare and Development Office at sa Children’s Home.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ito ang kinumpirma sa Brigada News Fm Naga ni Eden San Andres,social worker ng CSWDO na kabilang sa humahawak ng isyu sa pamilya na kung saan may kanya kanyang dahilan ang paghihiwalay ng mag live in partner batay na rin sa kanilang pag –iimbestiga.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay San Andres,kung mataas ang bilang ng mga maghihiwalay na mag live-in partner,mababa naman ang bilang ng mga naghihiwalay na mag-asawa na kasal sa huwes o kaya naman sa simbahan na ang ibig sabihin ay mas pinahahalagahan ng mga ito ang sakramento ng kasal.