Isang Barangay sa Canaman, Camarines Sur, isang taon nang problema ang tubig

CAMARINES SUR – Tubig! Ito pa rin ang patuloy na pinoproblema ng mga residente sa Canaman, Camarines Sur partikular na ang coastal barangay Iquin na may kalayuan ang lokasyon kaya hirap na abutin ng daloy ng tubig at lagyan ng waterlines, nagpaliwanag naman ang Metropolitan Naga Water District (MNWD) ukol dito.

Sa ipinaabot na reklamo sa Brigada News FM Naga ng isang residente na tumanggi nang magpakilala, halos isang taon na silang walang maayos na tubig. Inilapit na nila ang problema sa barangay ngunit wala umanong aksyon na ginagawa kung kaya’t naisipan nilang idirekta sa opisina ng MNWD  ngunit tulad ng sa barangay, wala silang nakuhang aksyon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Muling binalikan ng BNFM Naga ang opisina ng MNWD upang maipaabot ang reklamo. Napag-alaman kay Choppy Dela Cruz, MNWD Spokesperson na mayroong dalawang pumping station lamang at isang reservoir ang bayan kung kaya’t isa ang Brgy. Iquin ang hindi inaabot ng tubig. Paliwanag ni Dela Cruz, nag-iinject naman sila ng tubig malapit sa nasabing lugar yun nga lang dahil sa sobrang layo, hirap silang abutin ito kahit anong tulak nila na magsupply ng maraming tubig. Gayunpaman, hindi naman aniya sila tumitigil sa paghanap ng solusyon sa mga ganitong problema.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026