Batangas City – Binisita nina Police Regional Office 4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas at Batangas PNP Acting provincial director Police Col. Jacinto Malinao Jr. ang Lipa Component City Police Station kamakailan.
Ito ay upang isagawa ang tinatawag nilang ‘talk to men’.
Binigyang-diin ni General Lucas sa kanilang pagbisita ang kahalagahan ng police visibility sa bawat sulok ng kanilang lugar at pinaalalahanan din na maging mas mapagmatyag sa kanilang tour of duty.
Kaugnay nito, ipinaalala rin ng matataas na opisyal ang tamang bihis sa mga tauhan ng naturang istasyon.
Samantala, umaasa ang PRO-4A na susunod sa mga tamang gawi ang mga kapulisan sa naturang himpilan.